Batay sa weather advisory ng PAGASA, inaaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga susunod na araw sa malaking bahagi ng Quezon bunsod ng Tropical Depression #KristinePH.
Kaya naman, narito ang gabay sa kanselasyon at suspensyon ng klase mula sa Department of Education para sa masamang panahon dulot ng bagyo, malakas na pag-ulan, at pagbaha.
Manatiling nakasubaybay sa Dost_pagasa para sa mga anunsiyo kaugnay ng lagay ng panahon.