Bacoor City, October 15, 2024 – Ang “Bakuna Eskwela,” isang programang pinagsamang proyekto ng Department of Education (DepEd) at ng City Government of Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, sa pamamagitan ng Office of the City Health Services (OCHS), ay naganap sa Ligas 1 Elementary School. Layunin ng programa na tiyakin ang ligtas at mabisang bakuna para sa mga estudyante ng Ligas 1 Elementary School, bilang isang hakbang sa pagpapalakas ng kalusugan ng mga bata sa Bacoor.
Nakiisa sa kaganapan ang mga opisyal mula sa DepEd at OCHS, kasama sina: Coun. Rey Palabrica at Coun. Adriel Gawaran na nagbigay ng mensahe ng suporta; Dra. Ivy Marie Yrastorza, pinuno ng OCHS; Ms. Babylyn Pambid, CESO VI, OIC- Office of the School Division Superintendent; Ms. Rosemariel Cubabang, Principal II; Ms. Stephanie Ann Verdejo, RN, MPH, Provincial NIP Coordinator; Dr. Maria Victoria Torres, Medical Officer III, Office of the Provincial Health Officer, Cavite; Ms. Mutya Marvis De Guzman, MD, Medical Officer III; Ms. Iren Mateo, RN, Nurse, Supervisor; at Ms. Melanie J. Morales, SPTA President, Ligas 1 Grade 4 Students. Ang mga estudyante ng Ligas 1 Elementary School, kasama ang kanilang mga guro, ay aktibong nakibahagi sa programa at nakatanggap ng libreng bakuna.
Kasabay ng “Bakuna Eskwela” sa Ligas 1 Elementary School, nagkaroon din ng kaparehong bakunahan sa Likha Molino 4 Elementary School at Likha Elementary School – Georgetown Extension. Ang “Bakuna Eskwela” ay nagpapakita ng pangako ng City Government of Bacoor na pangalagaan ang kalusugan ng mga kabataan at magbigay ng ligtas at maayos na edukasyon para sa lahat.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.