Bacoor City, October 9, 2024 – Ang Tanggapan ni Congresswoman Lani Mercado Revilla, City Government of Bacoor, sa pakikipagtulungan nina Mayor Strike B. Revilla at Sangguniang Panglungsod na pinamumunuan ni Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, ay nagsagawa ng isang orientation para sa DOLE-TUPAD (Tulong Pangkabuhayan sa ating Disadvantaged/Displaced Workers) Program sa Main Square Mall.
Layunin ng programa na bigyan ng pansamantalang trabaho at pagkakakitaan ang mga disadvantaged at displaced workers sa lungsod. Sa ganitong paraan, masusuportahan ang kanilang pangangailangan at matutulungan silang madagdagan ang kita.
Higit sa 1,000 na mga benepisyaryo ang nakilahok sa orientation, kasama rito ang mga cemetery caretakers, funeral parlor staff, lying-in staff, SK members, barangay cleaners, at mga magulang ng mga Grade 12 students.
Present din sina Kuya Noly Galvez, Kap Erick Ugalde, Pastor Mike Bautista, at Kap Odoy Brillantes, para magbigay ng suporta at nag-encourage sa mga benepisyaryo. Kasama rin sa mga dumalo ang mga Konsehal na sina Coun. Reynaldo Palabrica, Coun. Levy Tela, at Coun. Simplicio Dominquez.
Sa pamamagitan ng DOLE-TUPAD, ang Lungsod ng Bacoor ay nagpapakita ng malasakit sa mga mamamayan at nagsisikap na makatulong sa mga nangangailangan.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.