Isang misa pasasalamat ang ginanap sa San Martin De Porres Church sa Barangay Panapaan 4 na pinangunahan nila Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Cong. Lani M. Revilla, Borad Member Ram Revilla, Board Member Edwin Malvar, Cong. Bryan Revilla, Sangguniang Panlungsod Members at ng butihing Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
Matatandaan na tuwing mag hahain ang TEAM REVILLA ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ay nagkakaroon ng Misa pasasalamat dahil sa patuloy na biyayang ibinibigay ng Panginoon para sa mas magandang serbisyo na ibinibigay ng Pamahalaang Bacoor sa mga Bacooreño.
Mula noon hanggang ngayon buong-buo parin ang suporta at pagmamahal ng mga NGO, Barangay Officials, BHOACI, FOSCHAI, SFI, STRIKE BACOOR RANBOW COMMUNITY sa TEAM REVILLA.
Matapos ang Misa ang buong TEAM REVILLA ay nag tungo na sa Bacoor Government Center ( BGC ) para ihain ang kanilang Certificate of Candidacy.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.