Naging masaya ang TGIF ng mga Bacooreño/Caviteño sa naging concert handog ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na pinangunahan nila Congressman Lani M. Revilla, Agimat Partylist – Cong. Bryan Revilla, Board Member Ram Revilla, Board Member Edwin Malvar at ng TEAM REVILLA sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena B. Mendiola.
Nag alay ng mga kanta ang mga sikat na banda gaya ng Banda ni Kleggy, Sandwich, Plethora, Imago at ni Al James.
Ang concert ay nagdala ng kasiyahan hindi lang sa mga Bacooreño maging sa mga Bacooreño na talagang inabangan ang kanilang mga idulo.
Hindi lang concert ang handog ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair dahil may pa-Raffle na MOTORSIKO sa mga nag register sa Bagong Pilipinas Google forms. Libong mga Caviteño ang dumalo sa concert na tumagal ng mahigit limang oras.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay nagpapasalamat sa bumubuo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at sa lahat ng mga Bacooreñong sumuporta sa concert.