Dalawang karangalan ang na-At Home ng ating OIC LYDO Ms. Angie Cariaso sa ginanap na 2nd Cavite Pawid Awards noong September 28, 2024, sa New Imus City Hall, Imus Cavite.
Ito ay programa ng Office of the Provincial Youth Development Officer at Cavite SK Federation kung saan kinikilala at pinaparangalan ang galing at husay ng ating mga lider-kabataan at mga organisasyong pang-kabataan sa Lalawigan ng Cavite.
Nagbibigay ito ng inspirasyon upang lalo pang palakasin at pagtibayin ang ating paglilingkod para sa mga kabataang Kabitenyo.
Nanalo ang entry ng ating LYDO sa Best Innovative Program for Peace Building and Security. Ipinagmalaki natin ang ating “Samahan ng mga Bacooreñong Repormado – Kaayusan Kaligtasan Kapayaan (SBR-KKK)”.
Tinanggap din ng Lungsod ng Bacoor ang Outstanding Local Youth Development Office na pinangungunahan ni Ms. Angie Cariaso.
Ang isa ating miyembro ng Bacoor City Local Youth Development Council na AVES Civil Society Organization, Inc. ay tumanggap din ng parangal bilang Best Innovative Program for Health sa kanilang proyekto na “Di Ka Nag-Iisa”.
Taus-pusong pasasalamat sa nagbigay ng ating mga parangal, OIC OPYDO Mr. Jay Ar Rodil, SK Provincial Federation President Hon. Chelsea Sarno, DILG Cavite Provincial Director Engr. Danilo Nobleza and former SK Provincial Federation President Hon. Tom Ardemer.
Tunay namang nakakaproud ang dedikasyon at galing ng Batang Bacooreño!
Mabuhay ang kabataan! Mabuhay ang Lungsod ng Bacoor!