Para masagawa ang agarang pagkumpuni ng 2.2-meter diameter pipeline sa kahabaan ng Recto corner Delpan Ave., Manila, na aksidenteng natamaan ng third-party contractor ng MMDA, magkakaroon ng pansamantalang pagkaantala ng supply ng tubig simula mamayang 10 p.m., September 19, 2024 hanggang 10 p.m. ng September 20, 2024. Makikita sa ibaba ang listahan ng mga apektadong barangay.
Ang nasabing pipe na natamaan ang nagdadala ng tubig mula sa aming treatment plant sa Quezon City papunta sa mga customer sa south.
Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng service interruption. Magde-deploy din kami ng mobile water tankers upang mag-deliver ng malinis na tubig kung kinakailangan.
Asahan ang pansamantalang water discoloration kapag bumalik na ang supply. Kung mangyari ito, padaluyin muna ang tubig ng panandalian hanggang sa luminaw. Ipunin ang unang-labas na tubig dahil maari itong gamitin for non-drinking purposes, tulad ng pang-flush sa toilet, para hindi masayang.
Maglalabas kami ng anunsyo sakaling magtagal ang isinasagawang repair works at kailanganing i-extend ang nasabing schedule.
Ang aming field teams ay nagtatrabaho nang walang-tigil para matapos ang repairs works sa lalong madaling panahon.
Humihingi kami ng paumanhin sa abalang dulot nito. Maraming salamat sa inyong pang-unawa.
Maynilad is being monitored and regulated by the MWSS Regulatory Office City Government of Bacoor City Government of Imus City of Las Piñas Manila Public Information Office Pasay City Public Information Office City Government of Cavite Municipality of Kawit, Cavite Municipality of Rosario Cavite MUNICIPALITY OF NOVELETA Parañaque City.