Paparating na ang pinakamalaki, pinakamalakas, at pinagsama-samang serbisyong publiko handog ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa ating mga kababayang Caviteño! Tara na sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Lalawigan ng Cavite sa darating na Setyembre 27-28, 2024!
Upang maka-avail ng mga programa at serbisyo sa darating na #BPSFCavite, siguraduhing nakarehistro gamit ang QR code o ang website na https://www.bagongpilipinastayo.com dahil ang lahat ng ito ay libre at bukas para sa lahat.
Sama-sama na tayo tungo sa isang Bagong Pilipinas dahil sa nagkakaisang Cavite, tunay na walang imposible!