Ika-16 ng Setyembre na, kaya naman simulan na natin ang 100-araw na countdown hanggang Pasko 2024. Lubos nating pananabikan ang samutsaring pagdiriwang ng Kapanganakan ni Hesukristo, samantalahin ang pagkakataong ito upang pagnilayan ang tunay na diwa ng Pasko. Ang bawat araw na darating ay bigyan natin ng makulay na gawain ang pagtutulungan at pagbibigayan, pagmamahalan ay ating isapuso at isaisip, dahil ito ang gusto ng ating ama na patuloy na gumagabay sa atin.
Maging Maganda, Masaya, Masigla sana ang mga darating na araw sa ating lahat.