Ang City Government ng Bacoor, sa tulong ng Human Resources Development and Management Department (HRDMD) at Nagkakaisang Kababaihan ng Kabite (NKK), nag-host ng flag raising ceremony sa Strike Gymnasium kanina, September 16, 2024. Dumalo sa event sina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, kasama ang mga Sangguniang Panglungsod Members.
Nagsimula ang ceremony sa panalangin ni Pastor Sam Baldon, at ng inspiring opening remarks ni Hon. Reynaldo Palabrica. Si Mr. Juanito Angelito Jareno, Area Head ng PAG-IBIG FUND, ay nagbigay din ng isang motivational speech. Ang highlight ng event ay ang pagbibigay ng certificates of recognition sa mga outstanding Bacooreños. Si Ms. Ericka Luzuette Rustique mula sa Barangay Molino 3 ay kinilala dahil sa pagkamit ng Magna Cum Laude sa Bachelor of Multimedia Arts sa UPHSD- Molino. Samantala, sina Ms. Patricia Marie B. Catapia at Ms. Kristina Marie B. Catapia, parehong mula sa Barangay Dulong Bayan, ay pinarangalan dahil sa kanilang Cum Laude achievements sa Bachelor of Science in Forestry at Summa Cum Laude sa Bachelor of Arts in Communication Arts (Writing), respectively, sa UP Los Baños. Ang robotics team ng Bacoor National High School, ang ROBOSTRIKERS, ay kinilala rin dahil sa kanilang mga achievements.
Kasama rin sa ceremony ang pagpapakita ng award na natanggap ng Bureau of Fire Protection (BFP) na pinamumunuan ni FCINSP Precious V. Petallo, ang pagbibigay ng gamot sa DepEd Bacoor mula sa HOPE as One na pinamumunuan ni Dra. Cristina Alberto, at ang pamamahagi ng “2024 Robot Package” sa mga DepEd schools – Batch 1.
Nagpakita ang HRDMD ng AVP na nagpapakita ng kanilang mga accomplishments, at 91 City Employees ang kinilala dahil sa kanilang matapat na paglilingkod sa Bacoor LGU. Natapos ang ceremony sa isang special message mula kay Mayor Strike B. Revilla.
Ang flag raising ceremony ay nagsilbing isang malakas na paalala ng commitment ng lungsod sa excellence, education, at community service. Ito ay isang pagdiriwang ng mga achievements ng mga Bacooreños at isang patunay ng patuloy na pag-unlad ng lungsod.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.