Ipinaaabot ng Lungsod ng Bacoor sa mga Bacooreños ang bagong desisyon ng Hukuman ng Apelasyon sa Buwis [Court of Tax Appeals] (CTA EB Blg. 2736, Agosto 15, 2024) kaugnay ng Manila Electric Company (“MERALCO”). Ayon sa Kagalang-galang na Korte, ang mga poste, transformer, at iba pang mga kagamitan ng MERALCO ay napapailalim sa buwis, alinsunod sa Local Government Code, na nagpapatibay sa posisyon ng
Lungsod ukol sa pagsunod sa pagbabayad ng buwis.
Pinagtibay ng Korte ang mga naunang desisyon ng Central Board of Assessment Appeals at Local Board of Assessment Appeals, na nagkumpirma na mula Enero 1, 1992, hindi na maaaring mag-claim ng exemption ang MERALCO para sa mga ari-arian nito sa real property tax. Binibigyang-diin ng desisyong ito na ang mga exemption sa buwis ay kailangang malinaw na nakasaad sa batas, at ang mga pagdududa ay dapat lutasin pabor sa pagbubuwis.
Dahil sa desisyong ito, hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang lahat ng mga nagbabayad ng buwis, maging mga indibidwal o negosyo, na tuparin ang kanilang obligasyon sa tamang oras. Ang maagap na pagbabayad ng buwis ay mahalaga upang masuportahan ang mga pampublikong serbisyo at pagpapaunlad ng Lungsod.
Pinahahalagahan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang kooperasyon ng mga Bacooreños sa pagtupad ng kanilang mga responsibilidad, na tumutulong upang masiguro ang patuloy na paglago at pagbibigay ng mahahalagang serbisyo.
Maaaring ma-access ang
desisyong ito sa: Maaaring ma-access ang
desisyong ito sa: https://cta.judiciary.gov.ph/home/download/c097ad792236f80a0
2973880172871b