Sa programa ng DHSUD na Emergency Shelter Support ( ESS ) sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program ( IDSAP ) ay makakatanggap ng 30,000 pesos ang bawat isang pamilya.
May dala ring Relief Packs si Sen. Bong Go na ibinigay sa 300 pamilya at may dagdag na pa-Raffle na Bike, Relo, Bola, Damit at Sapatos.
Sa programang inihanda ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, mga City Councilors, Atty Aimee T. Neri, PLtCol John Paulo Carracedo – Bacoor PNP Chief, at Kap Erning De Rosas ng Barangay Zapote 3, nagkaroon ng pagkakataong makapag salita si Sen. Bong Go para magpasalamat sa patuloy na pagsuporta ng mga Bacooreño. Dito rin ibinida ni Sen. Bong Go ang SUPERHEALTH CENTER na itinatayo na sa Lungsod ng Bacoor.
Nagpasalamat naman si Mayor Strike B. Revilla kay Sen. Bong Go at sa DHSUD sa tulong at suporta na ibinibigay sa mga Bacooreño.
Sa ngayon ang nabigyan ng tulong ay ang 1st Batch ng mga nasunugan noong August 7, 2024.
Maraming salamat po sa DHSUD at sa ating Senador Bong Go!
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.