Noong Setyembre 13, 2024, dinala na sa Ciudad Kaunlaran, Barangay Molino 2, ang nasa 95 na pamilya na nawalan ng tirahan. Prayoridad ni Mayor Strike B. Revilla na mabigyan ng maayos na tirahan ang mga Bacooreño na nakatira sa tabing dagat at ilog. Nais kasi ni Mayor Strike na maging malusog at mailayo sa sakit ang mga kabataan kung mananatili pa sila sa kanilang tinitirahan. Ang HUDRD ang mangangasiwa at gagabay sa mga Bacooreñong ililipat na sa kanilang bagong matitirahan.
Nakatanggap ng grocery at pinansyal na tulong ang 95 na pamilya mula sa pamahalaang lungsod ng Bacoor. Dumalo si Ms. Elisa Gregorio, ang State Management ng Ciudad, para tanggapin ang mga bagong titira sa Ciudad Kaunlaran. Mapalad ang mga Bacooreño mula sa Barangay Digman, Barangay Alima, Maliksi 1 at 2, Tabing Dagat, Talaba 2, 3, at Zapote dahil sa bago nilang tirahan.
Sa ngayon, mas pinag-aaralan pa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang pagbibigay ng tirahan sa mahigit dalawang libong pamilya. Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod na matulungan ang mga nangangailangan at masiguro ang kanilang kaligtasan at kaginhawaan.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.