Isang seremonya ng pagbabasbas ang pinangunahan ni Cong. Lani M. Revilla sa Barangay Molino 2, na dinaluhan ng mga opisyal ng Lungsod ng Bacoor, kasama sina: Coun. Simplicio Dominguez, Coun. Bok Nolasco, Pastor Sam Baldon, Mr Laurence Jimenez, Pres. Strike Kalinga 1 Homeowners Association, Engr. Regine Estigo-Oñate, Project Engr, DPWH Cavite 3rd District, at Ms. Lorna Collado, Contractor, MICLOVER.
Ang bagong covered court, na handog ng TEAM REVILLA sa Villa Esperanza, Barangay Molino 2, ay binasbasan para magamit na ng mga residente. Ang proyektong ito ay pinag-tulungan nila Cong. Lani M. Revilla at ni Mayor Strike B. Revilla para makatulong sa mga Bacooreño na magsasagawa ng mga aktibidad, kaganapan, at palaro.
Bilang kinatawan ni Mayor Strike B. Revilla, si Kuya Noly Galvez ay dumalo upang iparating ang pagbati at pakikiisa sa matagumpay na proyekto. Ang covered court ay mapapakinabangan na ng mga taga-Molino 2, at ikinatuwa ito ng mga residente, lalo na ang mga opisyal ng HOA.
Dumalo rin sa seremonya si Kap. Mike Saquitan at mga kagawad, Sk Julieane Miranda at mga Sk Kagawad. Ang pagbabasbas ng covered court ay isang simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng TEAM REVILLA at ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Patuloy na gagawa ng mga proyekto ang tanggapan ni Cong. Lani M. Revilla katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla. Ang pagtatayo ng covered court ay isa lamang halimbawa ng kanilang dedikasyon sa pagpapaunlad ng Bacoor at pagbibigay ng mas magagandang serbisyo sa mga mamamayan.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.