Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ay naglaan ng tulong pinansyal para sa 323 Senior High School students sa pamamagitan ng programa na AKAP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ipinakita ng suporta nina Cong. Lani M. Revilla, Cong. Bryan Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, at iba pang opisyal ang kanilang pagtanggap at suporta sa programang ito na naglalayong tulungan ang mga nangangailangan sa komunidad.
Sa pamamagitan ng programa, ipinagkaloob ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 3,000 bawat isa para sa pag-aaral ng mga estudyante. Ang pagdiriwang ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga opisyal sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, partikular na sa larangan ng edukasyon.
Nagbibigay ng inspirasyon at kasiyahan sa mga mag-aaral ang pagdalo ni Ms. Samantha Panlilio, Binibining Pilipinas Grand International 2021 at Ms. Universe Cavite Top 10 2023, sa pamamahagi ng tulong pinansyal. Ang patuloy na suporta at pagpapahalaga sa edukasyon ay nagpapakita ng dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pagtupad ng pangarap at tagumpay ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.