Dahil sa patuloy na pag-ulan, patuloy din po nating minomonitor ang sitwasyon sa ating lungsod. Ang kaligtasan ng bawat isa ay ang ating prayoridad.
Kasama ang City Government, nagsisikap po tayo na mapanatili ang kaayusan at makatulong sa mga nangangailangan.
Sa panahong ito, mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa.