Ang Team Revilla, sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, ay nagdala ng ngiti at busog sa mga residente ng Barangay Bayanan kahapon, Agosto 29, 2024. Kabuuang 927 pamilya ang tumanggap ng tulong sa bigas sa isang distribution event na ginanap sa Progressive Village, Bayanan.
Kasama sa pagtulong sa pag-distribute ng bigas sina Councilor Bok Nolasco, Councilor Simplicio Dominguez, Kap Alfie Gawaran at ang kanyang council, at SK Chairman Willer Alamo at ang kanyang council upang siguruhing maayos at organisado ang pagtitipon.
Nagpadala rin ng video sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Mendiola, Congressman Bryan Revilla ng Agimat Partylist, Congresswoman Lani Revilla, at Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. Ang mga mensaheng ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng suporta ng komunidad at ang pangako ng Team Revilla na tumulong sa mga nangangailangan.
Ang rice distribution na ito ay isa lamang sa mga halimbawa ng dedikasyon ng Team Revilla sa pagpapabuti ng buhay ng mga BacooreƱo. Nagdala ito ng pagkakaisa at pag-asa sa komunidad, na nagpapaalala sa lahat na hindi sila nag-iisa sa harap ng mga hamon.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.