Ang Malipay Elementary School ay nagdiwang ng ika-40 anibersaryo nito ngayong araw August 30, 2024. Ang selebrasyon ay pinangunahan ng Department of Education (DepEd) at dinaluhan ng mga mahahalagang bisita tulad ni Mayor Strike B. Revilla, Konsehal Alde Pagulayan, at Kapitan Jeffrey P. CampaƱa ng Barangay Molino 4.
Ang programa ay nagsimula sa isang Thanksgiving Mass, sinundan ng isang espesyal na programa para sa anibersaryo. Kasama rin sa mga highlight ng araw ang pagpirma ng Commitment and Support, at ang Parangal para sa mga natatanging guro at estudyante.
Ang mga pangunahing tauhan sa programa ay sina Principal Mary Ann P. Rodrigo, Mr. Dante D. Bitara – Master Teacher 1, at ang mga Master of Ceremony na sina Ms Jemima B. Montejo at Mr. Alejo S. Ignacio Jr. Ang mga guro, bisita, at estudyante ng Malipay Elementary School ay masayang nakibahagi sa selebrasyon.
Ang Malipay Elementary School ay patuloy na nagsisilbing sentro ng edukasyon sa komunidad, at ang ika-40 anibersaryo nito ay isang patunay ng dedikasyon at pagsisikap ng mga guro, estudyante, at mga taong patuloy na sumusuporta sa paaralan.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.