Noong ika-27 ng Agosto 2024, mainit na tinanggap ng mga kawani ng Lungsod ng Bacoor ang pagdating ng mga kinatawan mula sa Calaca City, Batangas na pinangunahan ni Konsehal Ryan Noche kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang departamento.
Ang pagbisita ng mga kawani at pinuno ng Lungsod ng Calaca ay upang tingnan at pag-aralan ang mga serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.
Bumisita rin ang mga taga Calaca sa tanggapan ni Mayor Strike B. Revilla kung saan napag-usapan ang iba’t ibang proyekto at serbisyo na patuloy na ginagawa sa Lungsod ng Bacoor.
Ang Head ng BDRRMO na si Mr. Richard Quion, Head na si Ms. Khei Sanchez ng LEDIPO at si Konsehal Alde Pagulayan ang nag-alalay upang ipakita sa mga kinatawan ng Calaca City LGU ang mga opisina ng bawat departamento.
Samantala, nagpapasalamat ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola sa pagbisita ng mga kinatawan ng Calaca City LGU sa Lungsod ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.