Sa pangunguna ng ating 24/7 Mayor Strike B. Revilla kasama ang Hope In Me Club Foundation, na pinapangunahan ni Doc Ma. Cristina Alberto, matagumpay na nagsagawa ng pamamahagi ng bigas noong August 22, 2024, sa BGC Grounds. Dumalo sa nasabing programa si Mr. Jefferson Lau, Chairman ng Manila Chinatown at kinatawan ng Federation of Filipino Chinese Association of the Philippines Foundation Inc.
Umabot sa 440 benepisyaryo, kabilang ang mga miyembro ng CENRO, BTMD, Unity Band, at Palero, ang tumanggap ng tig-5 kilo ng bigas at 1 galon ng toyo bawat isa. Ang mga donasyong ito ay mula sa Federation of Filipino Chinese Association of the Philippines Foundation Inc., na patuloy na nagpapakita ng kanilang malasakit at suporta para sa mga lokal na komunidad.
Ipinapakita ng inisyatibong ito ang sama-samang pagsisikap ng Hope In Me Club Foundation at iba pang mga civic group sa pagbibigay ng mahalagang tulong sa mga nangangailangan, na nagpapalakas ng diwa ng bayanihan sa loob ng komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.