Nagsagawa ng “Strike Family Day” sa Grand Strikeville 4, Barangay Mambog 2, ang City Government ng Bacoor sa pamumuno nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola sa tulong ng Local Youth and Development Office (LYDO).
Pinangunahan ni Ms. Angie Cariaso, Head ng LYDO, ang mga programa kasama ang Strike Bacoor Rainbow Community, Triskelion Grand Fraternity Tau Gamma Phi, Alpha Phi Omega Philippines Inc., at mga miyembro ng SBR-KKK.
Maraming salamat sa tulong ng mga sumusunod, Kap. Rogelio “Ogel” Pilar, Barangay Council, Sangguniang Kabataan ng Mambog 2 at Barangay Police Bantay Bayan.
Dumalo sa pagdiriwang ang mga residente ng Barangay Mambog 2, naghatid ito ng kasiyahan sa mga kabataan at mga magulang.
Kabilang sa mga aktibidad ang libreng pagkain, photobooth, sing-along contest, inflatable slide, libreng gupit, at pagsasanay sa fire prevention.
Ang “Strike Family Day” ay naganap ngayong araw ng linggo ika-25 ng Agosto 2024, nagdala ng kasiyahan at pakikiisa sa komunidad ng Barangay Mambog 2.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.