Binisita ng Black Marlins Athletes Club Football Team si Mayor Strike B. Revilla noong August 19, 2024, bilang pagpapasalamat sa suporta ng alkalde sa Team. Pinangunahan sila ng kanilang Coach AR-EE Eusebio, Team Captain Sean Sta. Ana, at Vice Captain Emir Minhas sa kanilang pagbisita sa opisina ni Mayor Revilla.
Ipinakita ng team kay Mayor Strike ang kanilang mga medalya at sertipiko bilang first runner-up sa Cavite Football Association (CAFA) Futsal Siklab Cup Tournament na ginanap noong July 13-14, 2024 sa Rosewood Village Covered Court Niog 2 Bacoor City Cavite.
Bilang pasasalamat, nagbigay ang team ng isang souvenir soccer ball at Black Marlin jersey kay Mayor Revilla. Naging masaya at nagpasalamat si Mayor Revilla sa pagbisita ng mga atleta at binati sila sa kanilang tagumpay.
Mabuhay kayo ipagpatuloy ang dedikasyon at pagsisikap sa larangan ng football.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.