Noong August 15, 2024 isang medikal at dental mission ang isinagawa sa Talaba Elementary School na pinangunagan ng opisina ni Governor Jonvic Remulla katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Cong. Lani M. Revilla, Cong. Bryan Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, BM Ram Revilla, BM Edwin Malvar, BM Kap. Rafael Paterno at ng Sangguniang Panlungsod Members.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga biktima ng sunog na nasa evacuation na makapag patingin sa mga doktor at makapag pabunot ng ngipin. Dahil dito nasuri ang mga matatanda at bata na may sakit at nakapag pabunot at nakapag patingin narin ng ngipin.
Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa butihin Gobernador Jonvic Remulla dahil sa tulong na ibinigay nito sa mga residente ng Wawa Zapote 3.
Patuloy na nakasubaybay ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, para maibigay ang mga pangangailangan ng mga Bacooreñong nasa evacuation center.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.