Noong August 16 ay masayang natapos ng 25 Bacooreños ang limang araw nilang pag-aaral ng Office Productivity Software (Microsoft Word, Excel, Powerpoint at Canva) sa Bacoor Computer Center.
Ito ay tugon sa hangarin ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at ng DICT Reg. IVA, sa pamamagitan ng E-Governance Department, na maihatid ang mga programa at serbisyong magbibigay ng dagdag kaalaman sa ating mamamayan tungkol sa makabagong teknolohiya.
Binabati namin ang lahat ng aming mga trainees! Inaasam naming patuloy ninyong paunlarin ang inyong natutunan mula sa Bacoor Computer Center.