Sa isang malasakit at mapagkalingang tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, personal na nag-abot ng tulong si Mayor Strike B. Revilla kasama ang mga City Councilors at iba pang opisyal ng lungsod. Kasama rin sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa Pamahalaang Lungsod ng Cavite City, kabilang si Mayor Denver R. Chua at Vice Mayor Raleigh Grepo Rusit, pati na ang mga konsehal at iba pang opisyal ng kanilang lungsod.
Nagbahagi ng tulong sa 740 pamilya na naapektuhan ng sunog, kabilang dito ang 2k Financial Assistance at 5 Kilos ng Bigas mula sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor. Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagmamalasakit ng Bacoor at Cavite City, na naging mag Sister City noong nakaraang taon.
Ang pamimigay ng tulong ay naganap sa The New Cavite City sa Montana Hall Gymnasium ngayong araw August 14, 2024, kung saan naging daan ito upang maiparating ang tulong at suporta ng Bacoor sa ka sisterhood na Cavite City.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.