Paalala po, sa darating na Sabado, August 17, 2024, mula 7:00 AM, magkakaroon tayo ng PISTANG SAN LORENZO 2024 sa Tatang Carlos Event Place, Westville Homes, Barangay Ligas 2 Bacoor City.
Sa okasyong ito, magkakaroon po tayo ng Legal Aid Clinic, libreng Legal Consultation, at Notarial Services. Ito ay para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong legal.
Nawa’y maging makabuluhan at makatulong ang pagdiriwang na ito sa ating mga kababayan.
Salamat po at magkita-kita tayo sa Sabado!
Mabuhay ang Barangay Ligas 2! Mabuhay ang Bacoor City! Maraming salamat po!