Naganap noong ika-12 ng Agosto 2024, ang PhilHealth Registration at Orientation para sa 1,000 bagong miyembro ng 4Ps sa Bacoor. Ang nasabing aktibidad ay program ng PhilHealth sa pakikipagtulungan ng City Government ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, at CSWD.
Layunin ng programa ang magkaroon ng libreng membership sa PhilHealth at konsulta matapos ma-register ang mga bagong miyembro ng 4Ps sa Bacoor. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan katuwang ang PhilHealth na siguruhin ang kalusugan at kabutihan ng serbisyo para sa mga Bacooreño.
Pinangunahan ni Ms. Ma. Obelia Fontanilla, ang Chief Social Insurance Officer ng PhilHealth Dasma, ang mga kinatawan ng PhilHealth sa nasabing aktibidad.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, patuloy na nagsusumikap ang Lungsod ng Bacoor na alagaan ang kalusugan at kabuhayan ng bawat mamamayan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.