Noong August 8, 2024 ang City Government of Bacoor ay nagmigay ng mga relief goods para sa mga fisherfolks na naapektuhan ng oil spill. Mahigit kumulang sa 1500 na mga miyembro ng Bacoor fisher-folks registered ang nabigyan.
Ipinahayag ni Mayor Strike na hindi titigil ang Lungsod sa pagtulong at may mga susunod pang tulong na darating para sa mga apektadong fisherfolks. Dagdag pa niya na patuloy ang pagtatayo ng Fisherman Village para sa mga mangingisda upang matulungan silang makabangon mula sa pagsubok na ito.
Naging matagumpay ang pamamahagi ng relief goods na ginanap kasama sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Cong. Bryan Revilla, Coun. Karen Sarino Evaristo, SK President Palm Angel Buncio, Mr. Richard Quion at Mr. Noly Galvez ng BDRRMO, Office of the Agricultural Services – Bacoor sa pangangasiwa ni Mr. Allan Chua, at CSWD.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.