Noong August 7, 2024, nagpapatuloy ang pamamahagi ng libreng bags at school supplies sa Queensrow Elementary School at Molino Elementary School.
Proyekto po ito ng City Government of Bacoor sa pangunguna nila Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola. Present po sa pamamahagi ang ilan sa mga konsehal ng lungsod, district 2: Konsehal Reynaldo Palabrica, Konsehal Alde Pagulayan, Konsehal Simplicio Dominguez, Konsehal Rey Fabian, Konsehal Bok Nolasco, Konsehal Obet Advincula at SK President Palm Angel Buncio. Kalakip din ang mga Punong Guro ng paaralan: Principal Milagros Vinluan ng Queensrow Elementary School at Principal Dra. Leonora Pantorgo ng Molino Elementary School.
Sa Queensrow Elementary School, kabuuang 940 mag-aaral mula sa Kinder at Grade 1 ang tumanggap ng tulong, kung saan 460 ay sa umaga at 480 ay sa hapon. Sa Molino Elementary School, nasa 500 mag-aaral mula sa Kinder at Grade 1 ang nabiyayaan, kung saan 190 ay sa umaga at 390 ay sa hapon.
Ang pagpamahagi ng mga bags at school supplies ay naglalayong magbigay ng suporta sa mga mag-aaral at sa ka sa kanilang pag-aaral. Isang magandang hakbang sa pagpapalakas ng edukasyon at pag-unlad ng mga kabataan ng lungsod.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.