Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, ay linguhang may programa na “Mayor’s Socialized Benefits for Residents” event sa Strike Gymnasium ngayong Agosto 7, 2024.
Sa kabuuan umabot sa 1,000 Bacooreños ang tumanggap ng tulong pinansiyal, habang 129 indibidwal naman ang nakinabang sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) sa pamamagitan ng guarantee letter mula sa Department of Health sa pamamagitan ng MSBR. Dagdag pa rito, 62 indibidwal ang tumanggap ng burial assistance sa pamamagitan ng guarantee letter.
Ang layunin ng pagtitipon ay ang pamamahagi ng Financial Assistance, Burial Assistance, at Medical Assistance para sa mga Bacooreños.
Pinondohan ng Bacoor LGU sa ilalim ng AICS Funds, ang event ay layon na magbigay ng mahalagang suporta sa mga residenteng nangangailangan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.