August 6, 2024 – Sa isang makabuluhang proyekto, isinagawa ng Senate Spouse Foundation Inc. (SSFI) ang pamimigay ng School Supplies at 5 Kilos ng Bigas.
Pinangunahan ni Congresswoman Lani Mercado Revilla at ng SSFI ang nasabing event na suportado ng ating Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, at mga District 1 & 2 City Councilors. Kasama rin sa mga bisita si SDS Dr. Babylin Pambid ng DepEd.
Ang SSFI ay binubuo nina Mrs. Heart Evangelista Escudero bilang Pangulo, Ms. Maricel Tulfo bilang Secretary, Congw Lani M. Revilla bilang Treasurer, DSWD USEC Atty. Emmeline A. @Villar bilang Legal Counsel ng SSFI, Mrs. Nancy Dela Rosa at Mrs. Mariel Padilla bilang mga PRO.
Mahigit sa 1000 mag-aaral na Bacooreño kasama ang kanilang mga tagapag-alaga ang dumalo sa pagbabahagi ng School Supplies at 5 Kilos ng Bigas sa Strike Gymnasium. Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng tulong ang lahat ng 1000 benepisyaryo.