Noong August 26, 2024, pinangunahan ng City Government ng Bacoor sa pamamagitan ng LEPIDO sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Khei Javier Sanchez, ang Memorandum of Agreement (MOA) signing na nagtatag ng Sisterhood relationship sa pagitan ng City Government ng Bacoor at Municipality ng Sal-lapadan sa probinsya ng Abra.
Kabilang sa mga dumalo mula sa Bacoor sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, mga Sangguniang Panglungsod Members, Department Head, at Unit Head. Si Kap. Alfie Gawaran ang kinatawan ng Asosasyon ng Liga ng Barangay ng Bacoor. Mula naman sa Sal-lapadan, Abra, naroon si Mayor Fernando “JHUN” Semanero Jr., Vice Mayor Nenita Cardenas, mga Konsehal, at Department Head.
Napuno ng mga pangunahing kaganapan ang pagbisita nila sa Bacoor upang masilayan at aralin ang mga gusali, departamento, sistema, magagandang lugar, at mga programa ng City Government ng Bacoor. Layunin nito na maghatid ng inspirasyon at kaalaman sa mga bisita na maaaring kanilang maipatupad sa kanilang Munisipalidad.
Personal na nilagdaan ng mga opisyal ang MOA signing of Sisterhood para sa City of Bacoor at Sal-lapadan, Abra. Layon nito ang magtulungan ang dalawang LGU para sa kabutihan at pagkakaibigan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.