Maraming salamat po sa mga volunteer na patuloy na gumagawa ng Improvised Oil Spill Booms mula sa iba’t ibang volunteers ng Lungsod ng Bacoor.
Hindi lamang mga used plastic bottles ang ating natatanggap na donasyon, meron din tayong natanggap na 1500 kilos na lambat mula sa Frabelle Fishing Corporation. Ang lambat na ito ay isang materyales na ginagamit natin sa paggawa ng IOSB’s.
Mga Bacooreño, kailangan po ng ating mahal na lungsod ang tulong ng bawat isa NGAYON. Kaya naman,
Plastic Bottles mong DONASYON,
Gawin nating SOLUSYON.
Ang inyong mga donasyong used plastic bottled ay maaaring dalhin sa bahay ni Mr. Allan Chua sa Brgy. SINBANALI, sa tanggapan ng OAS, o kaya ay sa inyong mga BARANGAY.
Maraming Salamat po sa lahat ng mga tumulong at nag donate. Ang pag BAYANIHAN ay likas at BUHAY NA BUHAY sa ating mga Bacooreño. Kaya natin to! Bacooreño ako!