Magandang Araw mga Bacooreño!
Dahil sa paglubog ng M/T Terranova sa Bataan noong July 25, 2024, nagkaroon ng oil spill na dahan-dahang sumisira sa ating karagatan.
Nabanggit ng PAGASA na ang oil spill ay makakarating sa Bacoor Bay by August 6, 2024. Pag nangyari po iyon, hindi lang po masisira ang mga tahungan at talabahan na ikinabubuhay ng ating mga kababayan, masisira din po ang Mangrove trees (kilala din sa tawag na bakawan) na noong 2007 pa inaalagaan ng City Government. Pag nasira po ang ating mangrove swamp, mawawalan po ng spawning ground ang mga isda. Mawawala din po ang ating “first line of defense” laban sa storm surge (o daluyong) na kagaya ng sumira sa Tacloban noong Typhoon Yolanda.
Para po ito maiwasan, gumagawa po ang Office of Agricultural Service (dating City Agriculture Office) ng Bacoor katulong ang ating mga lokal na MANGINGISDA, CFARMC, at BANTAY DAGAT ng improvised oil spill booms na gawa sa mga lumang plastic bottles. Kailangan po ng ating Lungsod ng tulong natin.
Mag DONATE po tayo ng mga used plastic bottles (kahit anong size at kulay) sa ating mga tahanan o kapaligiran at dalhin po sa bahay ni Mr. Allan Chua sa Brgy. SINBANALI, sa tanggapan ng OAS, o kaya ay sa inyong mga BARANGAY.
Bacooreño, kailangan po ng ating lungsod ang tulong ng bawat isa NGAYON. Kumilos na po tayo AGAD.
Salamat po.