Sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Carina, aktibong pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at ang Bacoor Disaster Risk Reduction Management Office (BDRRMO) sa pagbibigay ng agarang pagtugon sa mga lugar na binaha sa lungsod.
Sa isang emergency meeting, kasamang nag-ulat sina City Administrator Atty. Aimee Torrefranca-Neri, BDRRMO Assistant Head Noly Galvez, BDRRMO Operation Officer Gerald Gerales, at BDRRMO Safety Officer Karl Rebosura. Tumutok si Mayor Strike B. Revilla sa paghingi ng updated report upang mabilisang makapagsagawa ng mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Isa sa mga pangunahing layunin ng pagtitipon ay ang pag-monitor sa mga apektadong lugar, kabilang na ang Brgy. Molino 6 kung saan naganap ang malawakang pagbaha. Agarang inilikas ang mga residente sa mga ligtas na evacuation center upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.