Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa direktiba ni Mayor Strike B. Revilla, ay nagbibigay ng prophylaxis para sa leptospirosis sa ating mga frontliners at barangay personnel na nagtrabaho at sumaklolo sa mga binahang lugar, pati na rin sa mga residente na nasa evacuation centers.
Para sa mga residente na nalubog sa baha, mahalagang uminom agad ng prophylaxis sa loob ng 72 hours para maiwasan ang leptospirosis. Pumunta lamang sa pinakamalapit na health center para mabigyan o maresetahan ng kinakailangang gamot.
Mag-ingat at manatiling malusog. Sama-sama nating labanan ang pagkalat ng leptospirosis sa ating komunidad.