Hulyo 19, 2024 – Bumisita ang mga kinatawan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Female Dormitory sa opisina ni Mayor Strike B. Revilla. Kasama sa mga bumisita ang hepe ng BJMP Female Dormitory na si J/FCInsp Joy Anne Pascual kasama sina Jo1 Grace Leones at Jo1/t Victoria Mortel.
Ang layunin ng pagbisita ay ipakita ang livelihood product ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nagsisilbing hanapbuhay nila, kabilang dito ang bago nilang produkto na baso na may Mandala Painting. Hiniling din ng BJMP ang pagkakaroon ng clinic sa loob ng BJMP Female Dormitory Compound.
Sa pagbisita na ito, ipinapakita ang pagsuporta at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ang BJMP upang mapalakas ang mga programa para sa kabutihan at kaunlaran ng mga Persons Deprived of Liberty.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.