Sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, matagumpay na ring nailipat ang 91 pamilyang Informal Settler (ISF) sa Hyacinth Residence, Barangay Calubcob, Naic, Cavite kahapon, Hulyo 18, 2024.
Ang relokasyon na ito ay bahagi ng Batch 2 ng proyekto na naglalayong ilipat ang kabuuang 257 pamilyang ISF mula Barangay Sinbanali at Molino 3, na naapektuhan ng DPWH Tourism Road Infrastructure Prioritization Project (TRIPP) at iba pang Local Government Projects.
Sa ilalim ng proyekto na ito, ang mga pamilyang apektado ay binibigyan ng mas ligtas at maayos na tirahan, kasabay ng pagpapabuti ng kanilang kalagayan sa buhay.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.