Isang mahalagang hakbang tungo sa kalusugan ng kababaihan ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor noong Hulyo 17, 2024 sa SM City Bacoor. Sa naturang programa, nasa kabuuang 579 na kababaihan ang nakatanggap ng libreng bakuna laban sa Human Papilloma Virus (HPV).
Ang programa na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, upang mapabuti ang kalusugan at kaligtasan ng mga BacooreƱo, lalo na ang mga kababaihan.
Para sa mga interesado, maaari ring makuha ang bakuna na ito sa mga barangay health centers tuwing Huwebes at Biyernes. Upang makapagpa-schedule, hinihikayat ang mga residente na makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay health worker.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.