Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, kasama ang Housing Urban Development and Resettlement Department (HUDRD) sa pangunguna ni Atty. Aimee Torrefranca-Neri, at ang National Housing Authority (NHA), ay nagsagawa ng isang mahalagang hakbang para sa relokasyon ng 82 pamilyang Informal Settler (ISF) o 336 indibidwal sa Hyacinth Residence na matatagpuan sa Barangay Calubcob, Naic, Cavite.
Ito ay bahagi lamang ng Batch 1 ng proyekto para sa relokasyon ng 257 pamilyang ISF mula Barangay Sinbanali at Molino 3, na naapektuhan ng DPWH Tourism Road Infrastructure Prioritization Project (TRIPP) at Local Government Project.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.