Noong Hulyo 16, 2024, mainit na sinalubong ng mga kawani at opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Councilor Karen S. Evaristo, SK Federation President Palm Angel Buncio, LYDO Head Angie Cariaso, at mga department head, ang delegasyon ng Sangguniang Kabataan mula sa Probinsya ng Aklan.
Sa tulong ng mga kawani ng Lungsod ng Bacoor, nakita ng Sangguniang Kabataan mula sa Aklan ang mga departamento na nagbibigay ng serbisyo sa mga Bacooreño. Ipinakita rin sa kanila ang mga proyektong nagawa ng Pamahalaang Lungsod na maaari nilang maging gabay para sa proyektong nais nilang gawin sa kanilang probinsya.
Nagpasalamat naman si Mayor Strike B. Revilla sa Sangguniang Kabataan ng Aklan sa pangunguna ni Board Member Edmundo Tolentino, Presidente ng Provincial Federation of SK Province of Aklan, dahil napili nila ang Lungsod ng Bacoor para gawing inspirasyon sa pagpapaunlad pa ng serbisyo at proyekto sa probinsya ng Aklan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.