Hulyo 8, 2024 — Panibagong linggo ng pagseserbisyo ang sinimulan ng Office of the General Service at ng KKK sa kanilang pamumuno sa Regular Flag Raising Ceremony kaninang umaga.
Pinangunahan ni City Councilor Alde Pagulayan ang seremonya sa kanyang pambungad na pananalita, na agad ding sinundan ng pagbibigay parangal sa natatanging adbokasiya ng PNP-Bacoor sa pangunguna ni PLTCOL. John Paulo Carracedo.
Naglahad naman ang Office of the General Service ng kanilang Accomplishment Report sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation. Matapos nito, nagbigay din ng mensahe ang panauhing pandangal na si Mr. Winifred Remulla, Presidente ng Philippine Society of General Services Officers (PAGSO) – Cavite Chapter.
Nagtapos ang programa sa isang nakakaaliw na intermission number mula sa KKK at sa espesyal na mensahe na inihandog ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.