Isang mahalagang hakbang tungo sa kalusugan ng kababaihan ang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor. Simula Hulyo 17, 2024, magkakaroon ng libreng bakuna laban sa Human Papilloma Virus (HPV) para sa mga kababaihan na may edad 9 hanggang 49 taon. Ang nasabing paglulunsad ay gaganapin sa SM City Bacoor mula 10:00 AM hanggang 4:00 PM.
Bukod dito, maaari ring makuha ang bakuna na ito sa mga barangay health centers tuwing Huwebes at Biyernes. Upang makapagpa-schedule, hinihikayat ang mga residente na makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay health worker.
Ang programa na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan upang mapabuti ang kalusugan at kaligtasan ng mga Bacooreño, lalo na ang mga kababaihan.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.