Bilang bahagi ng layunin ng Operation Smile Philippines na bigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan ang mga nangangailangan, partikular na sa mga may birth defect tulad ng cleft lip at palate, magkakaroon ng libreng operasyon sa darating na HULYO 28 sa Pagamutang Dasma.
Ang serbisyo na ito ay bukas para sa mga residente na may edad 6 na buwan pataas na mayroong cleft lip at palate. Bukod dito, magkakaroon din ng LIBRENG SCREENING sa darating na Hulyo 9 sa Bayanan City Health Unit at Molino 3 City Health Unit mula 10:00 AM hanggang 2:00 PM. Sa Hulyo 11 naman, magaganap ang screening sa Alima City Health Unit mula 10:00 AM hanggang 2:00 PM.
Ayon sa mga tagapag-organisa ng programa, wala na ring dapat na alalahanin sa gastusin dahil sakop na ng programa ang lahat ng pangangailangan, pati na ang mga gamot na kailangan matapos ang operasyon.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.