Sa pangunguna ng City Government of Bacoor, sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) at ang opisina ni Senator Loren Legarda, matagumpay na isinagawa ang TUPAD Pay Out. Ang aktibidad na ito, na isinagawa ngayong araw, Hulyo 2, 2024, sa Revilla Hall, ay nagbigay ng tulong pangkabuhayan sa 84 na residente ng Bacoor.
Personal na nagpakita ng suporta sa nasabing programa sina Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola bilang Acting Mayor at Coun. Alde Pagulayan. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa DOLE Provincial Office na sina Mr. Carlo Formento, Mr. Sam Michael Arevalo, at Mr. Lorenz Dizon, na mga TUPAD Coordinator.
Ang TUPAD Pay Out ay isang programa na nagbibigay ng ayuda sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sa pamamagitan ng Tulong Pangkabuhayan Para sa Displaced Workers (TUPAD). Sa pagtutulungan ng Bacoor LGU, naging matagumpay ang aktibidad na ito na naglalayong magbigay ng pag-asa at suporta sa mga benepisyaryo.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.