Noong Hunyo 25, 2024, nagtapos ang mahigit isang daang BacooreƱo na sumailalim sa Bacoor CBDRP – Drug Rehabilitation and Trearment Program ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangangasiwa ng Office of the City Health Services (OCHS). Ang mga nagsipagtapos na PWUDs ay dumaan sa mahigpit na pagsasanay at seminar, tulad ng Addiction Science, Relapse Management, Life Coaching, Spiritual Guidance, at marami pang iba na makakatulong sa kanilang pagbabagong buhay.
Ang mga nagsipagtapos ay mga Ex-Persons Deprived of Liberty (Ex-PDL) na ngayon ay nakalaya na ngunit kailangan pa ring dumaan sa Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) ng anim na buwan base sa resulta ng kanilang Drug Dependency Examination (DDE) at Court Oder. Ang mga Ex-PDL ay maaari ring magpatuloy sa kanilang pagsasanay dahil mayroong mga livelihood o TESDA programs na maaari nilang gamitin para sa negosyo o pagkakakitaan.
Dumalo sa nasabing okasyon ang ilang mga konsehal ng lungsod na sina Coun. Alex Felizardo Gutierrez, Coun. Reynaldo Palabrica, Coun. Alde Pagulayan, LNB Vice President Randy Francisco, kasama sina Reginaldo S. Revilla ng DILG, PTCOL John Paolo V. Carracedo, Ms. Ma. Theresa Y. Malubag – Senior Health Program Officer, Dr. Ivy Marie Yrastorza – Head ng City Health Office, Pastor Cesar Roxas, at Pastor Mike Bautista.
Pinasalamatan ng mga PWUDs sina Mayor Strike B. Revilla, Congw. Lani M. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, at lahat ng namumuno sa Lungsod ng Bacoor dahil sa pagpapahalaga at magandang programa na ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod sa mga BacooreƱong nais magbago.
Sa huli, natanggap ng mga PWUDs ang kanilang mga sertipiko ng pagkilala at patuloy silang imo-monitor ng Office of the City Health Services upang matiyak na ang kanilang pinangakong pagbabago ay magtutuloy-tuloy para na rin sa kapakanan ng kanilang pamilya.