June 24, 2024 — Isinagawa ngayong araw ang Regular Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng Zoning and Land Development Department (ZLDD) sa pamumuno ni Engineer Art San Jose, kasama ang Visacol Luzon Inc. na pinamumunuan ni Ms. Gemma Vinzon.
Sinimulan ang programa sa pambungad na pananalita ni City Councilor Alde Pagulayan, na sinundan ng pagbibigay parangal at pagkilala sa sampung opisina para sa kanilang pagsunod sa Strategic Performance Management System (SPMS) para sa buwan ng Marso.
Ipinakilala rin ang mga nanalo sa 2nd Chinatown Dragon Boat Festival, ang Basilan Barracudas Dragon Boat Club.
Ibinahagi naman ng ZLDD ang kanilang Accomplishment Report sa pamamagitan ng isang AVP. Sinundan ito ng mensahe mula sa panauhing pandangal na si Mr. Januel R. Peras, OIC ng Provincial Environment Natural Resources (PENR).
Nagbigay-aliw din sa mga manunuod ang mga intermission number mula sa ZLDD, Visacol Luzon Inc., at Mr. Carlo Flaga — The Voice of Bacoor Grand Champion 2024.
Nagtapos ang programa sa mensahe ni Mayor Strike B. Revilla at ang kanyang personal na pamamahagi ng 34 wheelchairs sa mga benepisyaryo.