Noong Hunyo 21, 2024, isang makabuluhang programa ang isinagawa ng Department of Education (DepEd), Local Youth Development Office (LYDO), at Sangguniang Kabataan (SK) Federation na nagbigay ng mahalagang kaalaman para sa mga kabataang Bacooreno.
Ito ang Learning Resource Expo na naglalayong palawakin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabasa, pagbibilang, at kritikal na pag-iisip. Isa sa mga tampok sa programa ang pagtataguyod ng mga proyektong gaya ng book giving, library, at youth center, na nais ipatupad ng SK Federation sa bawat barangay ng Lungsod ng Bacoor.
Nagpaabot naman ng suporta sa programa na ito sina City Councilor Alde Pagulayan, SK Federation President Palm Buncio, Ms. Angie C. Cariaso – OIC-LYDO, Dr. Raquel I. Blones – EPSvr in EsP, SNEd, Dr. Babylyn M. Pambid, Dr. Alexander M. Morron Jr., Dr. Nereus V. Malinis, at Ms. Khei Sanchez na kumakatawan kay Mayor Strike B. Revilla.
Ito ay isa lamang sa mga adbokasiya ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, na palakasin ang edukasyon ng mga kabataan sa lungsod.