Sa muling pagsasagawa ng pamamahagi ng libreng limang kilong bigas, na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, nakatanggap ang kabuuang 1,230 na residente mula sa Barangay Ligas 1 at 940 naman mula sa Barangay Ligas 2.
Ito ay bahagi ng inisyatiba ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang buong Team Revilla, na tugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.