Pinasinayaan ngayong araw, ika-18 ng Hunyo, ang opening ceremony ng Malikhaing Bacooreño 2024 kung saan binuksan na sa publiko ang mga ibinibidang artworks mula sa iba’t ibang artists sa lungsod ng Bacoor at sa iba pang karatig na lugar.
Sinamahan pa ito ng iba’t-ibang local merchants na nakiisa rin sa palitan ng mga malikhain nilang produkto na nagpapakita ng mayaman na sining at kultura ng Bacoor.
Kasama sina Revelyn Cortez, Assistant Regional Director ng Department of Trade Industries Region IV-A, Lilibeth Chavez na tumatayo bilang OIC Provincial Director, Rebecca Tarasona na ating Division Chief at ang mga kawani mula sa Department of Trade Industries (DTI) na sina Julie Salvacion at Ruy Manaog.
Mula sa nasabing kaganapan, pinaunlakan din tayo ng isang kinikilalang NFT Artist na isa sa mga haligi ng ating Creative Industries na si Ismael Jerusalem.
Ang muling pag-ukit ng kasaysayan para sa pagpapayabong ng sining at kultura sa Bacoor ay naging posible dahil sa ating butihing Mayor Strike Revilla at ng kanyang katuwang na si Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola. Ito rin ay naisakatuparan din dahil sa tulong at lingkod na hatid ng ating Ina ng Bacoor na si Congresswoman Lani Mercado-Revilla.
Ang paghahanda para sa nasabing kaganapan na ito ay hindi magiging posible kung wala ang pagpapagal ng ating mga tagapanguna na sina John Verlin Santos at Kido Leviste na kapwa kawani ng Bacoor Arts Community at Titik Poetry.
Naniniwala ang lahat na sa kaganapan na ito mabibigyang patunay na may mararating pa ang yumayabong na sining at mayaman na kultura ng ating ipinagmamalaking nayon. Kung saan ang bawat pangarap ay maisasakatuparan. Ang bawat ukit, himig, pitik, at guhit ang siyang magbibigay ngalan sa bagong Bacoor para kilalanin na isang lungsod na malikhain.